Lahat siguro tayo merong sariling pamilya, ngunit hindi lahat ng pamilya ay masaya at maginhawa ang buhay. Ang iba ay pinaghiwalay ng tadhana ang iba naman ay pinaglaruan.Kaya naman nag papasalamat ako sa Diyos na binigyan ako ng masiyahin at matulungin na pamilya.Siguro naman lahat tayo merong pinagdadaanan na hirap sa buhay,ngunit wag natin isipin na nag-iisa lang tayo.Laging tatandaan natin na nandyan lang palagi ang mga magulang natin at mga kapatid para tumulong at gabayan tayo.Kahit na nag-aaway minsan ngunit sa kaloblooban naman natin, alam nating hindi natin matitiis ang isa't-isa.
Ngayon naman ipapakilala ko sa inyo ang pamilya ko,ang pamilya ko ay magulo ngunit masaya.Minsan nag-aaway ngunit pagkalipas ng ilang araw ay nagbabati din naman.Kariniwan nalang siguro sa pamilya na pumunta sa ibang lugar para ipagdiwang ang isa sa mga kaarawan ng kapamilya nila.Noong ika 30 ng Hunyo ay pumunta kami ng pamilya ko sa dagat upang ipagdiwang ang kaarawan ng pinsan ko. Masaya kaming kumakanta habang nakasakay sa jeep at nagkwekwentuhan para malibang kami.At pagdating namin nagsimula na kaming mag handa at ihawin ang mga sariwang isda at baboy.
Pagkatapos namin lutuin ang mga isda at baboy, sabay-sabay na kaming nag dasal para kumain.Pagkatapos naman isa-isa na kaming naligo at nagsaya sa aplaya, di gaanong mainit ang panahon kaya't napakagandang magbabad kasama ang mga maliliit na isda. Dahil narin sa malinis ang dagat, kitang kita namin ang mga iba't-ibang isda. Ang saya saya namin (hihi).Hindi man gaano bongga ang handaan namin sa kanya ngunit ang mahalaga ay magkakasama kami at masaya!.Hindi ko talaga makakalimutan ang mga masasayang ala-ala nato. Itatanim ko to sa kasulok-sulokan ng puso ko at utak ko !. haha .Dahil narin sa tagal naming pagbabad sa dagat, hindi na namin namalayan ang oras.Ganun pa man nagpatuloy parin kami sa pagsasaya hanggang sa mapagod na kami lahat.Nang malapit na kami umuwi naglakad lakad kami at kumuha ng litrato. Masaya kaming naglinis ng kalat namin at naghanda para umuwi na . ^_^
Lahat tayo may mga masasayang alaala kasama ang pamilya natin. Kalimutan na nalang natin ang mapapait at palitan ito ng mga matatamis na ala-ala.Hindi man natin napapansin minsan, ngunit palagi andyan ang pamilya natin para tayo'y suportahan at gabayan.Kaya pinagmamalaki ko ang pamilya ko at hindi ko ito ipagpapalit sa kahit anong bagay sa mundo.Isang beses lang natin sila makakasama sa tanan buhay natin kaya sulutin na natin ito at ipadama sa kanila kung gaano sila kahalaga sa buhay natin. Kaya minsan pagpasensyahan nalang natin sila at pagbigyan. Mahal na mahal ko ang pamilya ko! at gusto kung malaman nyo ito haha...
Salamat sa effort at pagbasa tungkol sa pamilya ko . ^_^....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento